-- Advertisements --
Nagbigay ng kabuuang P10 million ang beauty queen at negosyanteng si Celeste Cortesi para sa mga biktima ng mga nagdaang lindol sa Cebu at Davao Oriental.
Ayon sa ulat, unang namahagi ng P5 million si Celeste kasama ang kanyang partner na si Jonathan Sterling sa mga biktima ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong Setyembre 30 sa pamamagitan ng kanilang Asul Hope Foundation, katuwang ang Angat Buhay Foundation.
Kasunod nito ay muli silang nagbigay ng P5 million donasyon para sa mga nasalanta ng magkasunod na lindol sa Davao Oriental noong Oktubre 10, sa pakikipagtulungan naman sa Philippine Red Cross (PRC).
Nagpasalamat naman ang PRC kina Celeste at Sterling sa kanilang kontribusyon sa rescue at relief operations sa Davao.