-- Advertisements --

Nakiisa si Miss Universe Philippines 2022 Celeste Cortesi sa mga biktima ng lindol sa Cebu at Davao Oriental.

Nagbigay ito ng financial contribution na aabot sa P5 milyon sa pamamagitan ng non-governmental organization na Angat Buhay Foundation na tumutulong sa Cebu.

Habang dagdag namana na P5-M din ang ibinigay din ng kumpanya sa mga biktima ng lindol sa Davao.

Ang nasabing halaga ay mul sa beauty company ni Celeste na Asul kung saan kasama siyang nagtaguyod nito at ni British philanthropist Jonathan Sterling.

Nanawagan din ang kumpanya nito sa kanilang followers na magbigay ng tulong sa mga biktima ng lindol.