esports
Esport

Abanse na sa upper bracket finals sa larong Dota 2 ang team Sibol para sa E-Sport sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games na ginaganap sa San Juan Arena.

Ito ay matapos na makuha nila ang dalawang panalo sa tatlong laro sa DOTA 2 qualifiers mula sa kamay ng Lao at Indonesia.

Dahil sa panalo ay nakatakda nilang makaharap ang Vietnam para sa upper bracket finals ngayong araw.

Binubuo naman nina James Guerra, Van Jerico Manalaysay, John Anthony Vargas, Bryle Alvizo at Marvin Rushton ang team DOTA.

Nauna rito pasok na rin sa gold medal match ang manlalaro ng Starcraft na si Caviar Acampando sa araw ng Lunes.