-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Department of Tourism ang natanggap nilang ulat na bentahan ng mga pekeng negative COVID-19 test results na isang requirement para sa pagbiyahe.
Ayon kay DoT Undersecretary Benito Bengzon Jr, na naglunsad na sila ng imbestigasyon sa nasabing usapin.
Dagdag pa nito isang delikado ang paggamit ng pekeng negative test result dahil ito ay magdudulot ng pagkakahawaan.
Magugunitang may ilang indibidwal na rin ang kanilang naaresto dahil sa paggamit ng mga pinekeng COVID-19 test result kung saan pinagmulta na nila ang mga ito.