-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nailigtas ang isang dolphin na sugatan na napadpad sa dalampasigan sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Brgy Magsaysay Parang Maguindanao Brgy Chairman Antonio Gimenez na napansin ng mga residente ang sugatang dolphin malapit sa pantalan.

Agad itong sinagip ng mga bantay dagat volunteers ng Barangay Magsaysay sa bayan ng Parang at tumawag sila sa DENR para maisalba ang naghihingalong dolphin.

Nagpadala ng mga experts mula sa Ministry of Agriculture ang Fisheries sa BARMM at sinuri ang dolphin.

Hinala ni Kapitan Gimenez na tumama sa propeller ang isang uri ng mellon headed na dolphin habang sumusunod sa mga malalaking bangka sa bahagi ng Yllana bay o kaya ay sa Moro gulf.

Nagagalak naman si Parang Mayor Cahar Ibay sa ipinakitang pagmamalasakit at proteksyon ng mga residente sa mga katulad nitong gentle giant fish na nakikita sa mga karagatan sa lalawigan ng Maguindanao.