-- Advertisements --
Kinumpirma ngayong umaga ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nagnegatibo siya sa COVID-19 virus matapos sumailalim sa RT-PCR test kahapon.
Una ng inanunsiyo ng kaniyang departamento na nagkaroon ng respiratory disease ang kalihim.
Nabatid na “asymptomatic” ang kalihim at nag self-quarantine sa kaniyang hometown sa Isabela province.
Si Sec Bello ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.
Ang AstraZeneca vaccine ang tinurok sa kalihim noong Marso at ang second dose nito noong buwan ng Mayo.
Inihayag naman ng Department of Labor and Employment na patuloy sa pagtatrabaho ang kalihim kahit nasa isolation ito.