-- Advertisements --

Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers ng tamang pasahod sa kanilang empleyado na papasok ngayong araw ng paggawa o Labor Day, Mayo 1, 2023 na isang regular holiday.

Nakasaaad sa Labor Advisory 12 ng DOLE na ang mga empleyado na hindi pumasok ngayong araw ay makakatanggap pa rin ng 100% ng kanilang arawang sahod.

Kapag pumasok ang empleyado ay makakatanggap ito ng dagdag na 100% ng kaniyang arawang sahod at sakaling lumagpas ng walong oras ay mayroong dagdag na 30 percent sa arawang sahod.

Nakasaad din sa advisory na kapag day-off ng isang empleyado at ito ay pina-pasok siya ay makakatanggap ng dagdag na 30 percent ng kaniyang basic wage ng 200 percent.