Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers sa tamang pasahod sa kanilang empleyado na papasok sa magkakasunod na Holiday.
Magsisimula ngayong Abril 6 bilang Huwebes Santo, Abril 7 ng Biyernes Santo at Abril 10 ang Araw ng Kagitingan.
Base sa inilabas na advisory ng DOLE na ang sinumang empleyado na papasok sa nabanggit na mga araw ay makakatanggap ng sahod na 200 percents ng kanilang daily wage sa loob ng walong oras.
Habang ang mga hindi pumasok na empleyado sa nasabing mga araw ay makakatanggap pa rin ng 100% ng kanilang sahod.
Ang mga empleyado na nagtrabaho ng mahigit walong oras ay babayaran sila ng kumpanya ng dagdag na 30 percent sa kanilang natatangap kada oras sa nasabing araw.
Dapat rin na mabayaran ng 30 percent na dagdag ang empleyado na pumasok sa nabanggit na mga araw at nataon na ito ay kaniyang day-off.