-- Advertisements --
Kukuha ng 6,000 na mga interns mula sa Batangas bilang temporary employment sa mga naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na mayroong nakalaan na P72.6 million na pondo para sa nasabing programa.
Mayroong tig-600 na interns ang magmumula sa Lemery, Mataas na Kahoy, Agoncillo, Laurel, Talisay, Taal, San Nicolas, Balite, San Jose at Sta. Teresita.
Magtatrabaho ang mga ito ng 30 araw at sila ay tatanggap ng sahod na aabot sa P12,050 o katumbas ng minimum wage sa nasabing rehiyon.