-- Advertisements --
Hinikayat ng Department of Labor (DOLE) ang mga kumpanya na mayroong 10 empleyado pababa at mga negosyo na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic na mag-apply ang mga ito ng exemption sa taas sahod.
Kasunod ito sa pag-apruba ng dagdag sahod ng P33.00 sa mga manggagawa ng National Capital Region (NCR) at P55.00 naman sa Western Visayas.
Nakasaad kasi sa Omnibus Rules on Minimum Wage Determination na ang mga maliliit na negosyo ay mayroong kaunting empleyado at labis na naapektuhan ng anumang pandemya at kalamidad ay maaaring mag-apply ng exemption ng taas sahod.
Base kasi sa 2020 List of Establishment sa bansa ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 88.77% na mga negosyo sa bansa ay pawang mga micro establishments.