-- Advertisements --

Babantayan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employer na hindi nagpapatupad ng bagong wage order na epektibo noon pang Hulyo.

Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na kanilang i-vavalidate ang mga ulat na nakarating sa kanilang opisina na may ilang employer ang hindi nagpapatupad ng bagong wage hike.

Nakasaad sa nasabing wage hike na mayroong P610 ang arawang sahod ng mga manggagawa.

Lahat aniya ng mga mangagagawa sa National Capital Region ay makakatanggap ng bagong wage hike maging casual o contractual.

Pagtitiyak ng kalihim na mayroon silang mga tauhan na nakabantay para magsagawa ng inspection sa mga reklamo na kanilang natatanggap.