-- Advertisements --

Tiniyak ni Labor Sec. Silvestre Bello III na imo-monitor pa rin nila ang distribusyon ng tulong para sa mga manggagawang hindi naabot ng kanilang subsidy program na P5,000 at P8,000.

Layunin nitong maalalayan ang mga ahensyang magpapatuloy sa pagkakaloob ng tulong at mapabilis ang proseso kung may anumang isyu sa mga dokumentong naisumite.

Sa ngayon kasi ay nai-turn over na ang listahan ng mga manggagawa sa Department of Finance (DOF), Social Security System (SSS) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Base sa record ng DOLE, nakapagbigay na sila ng P1.6 billion para sa 421,000 workers, habang may 180,000 pang kailangang mabigyan ng cash assistance.