Nanindigan si Vice President Sara Duterte na hindi dapat pilitin ang mga Senador na umatras bilang hukom sa kanyang impeachment trial batay lamang sa political bias nito.
Sa isang pulong balitaan sa Davao City, sinabi ni VP Duterte na kung ang batayan ng pag-inhibit ay ang pagiging kaalyado niya, dapat ding i-inhibit ang mga Senador na lantaran aniyang tutol sa kanya, gaya na lamang daw ni Senator Risa Hontiveros.
‘Kung ganon ang ating basehan sa inhibition ay dapat din nating ipa-inhibit ang mga senators na meron ding bias against Sara Duterte, tulad na lang ni Senator Risa Hontiveros na in a public speech, sinabi niya na kailangan talagang…burahin or kailangang wasakin, sirain o gibain ang pamilyang Duterte,’ ani VP Sara.
Dagdag pa nito na ”Hindi tayo puwedeng magpa-inhibit ng mga senator-judges based on bias,” at iginiit na ang mga Senador ay kahinala-hinala kung magiging patas ito sa kanilang tungkulin.
Samantala, sinabi naman ni San Juan Rep. Ysabel ”Belle” Zamora, isa sa mga House prosecutors, na ang recusal o inhibition ay dapat kung loob mula sa mga Senador, lalao na kung may makikiyang partiality. Hindi pa umano tiyak kung hihilingin ng Kamara ang inhibition ng ilang Senador, pero bukas sila sa opsyon kung makakatulong ito sa maayos na pag-usad ng paglilitis.
Pinuri rin ni Zamora ang mga Senador gaya ni Hontiveros na tumutol sa pagbabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara, aniya hindi dahil laban ito kay Duterte kundi bilang pagtalima sa Saligang Batas at proseso ng Senado.
Matatandaang inaprubahan ng Kamara ang impeachment laban kay Duterte noong Pebrero 5, 2025 at kasalukuyang nakabinbin ang kaso sa Senado matapos itong makakuha ng boto (18-5) na ibalik muna ang Articles of Impeachment sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nang hindi ito tuluyang ibasura.