BAGUIO CITY – Lalo pang nadagdagan ang bilang ng mga survivors sa COVID-19 dito sa lungsod ng Baguio.
Nakalabas mula sa Baguio General Hospital and Medical Center si Dr. Manuel Kelly Jr., na isang medical frontliner pagkatapos nitong gumaling mula sa COVID 19.
Si Dr. Kelly ang ika-12 na COVID-19 patient na gumaling sa Baguio City.
Taus-puso itong nagpasamalat sa mga doctors, nurses, kitchen staffs at janitor na nag-asikaso at tumulong sa kanya habang siya’y nasa pagamutan.
Hinikayat nito ang medical community ng BGHMC na manatiling matibay habang lumalaban sa COVID 19.
Maaalalang nitong Lunes ay nakalabas mula sa ospital ang dalawa pang COVID 19 survivors sa lunsod na sina Joel Junsay, 52-anyos na isa ring health care frontliner at si Jaysay Bactad na 67-anyos.
Mula sa 15 na kumpirmadong kaso sa Baguio City ay 12 sa mga ito ang nakalabas na sa pagamutan habang dalawa ang nagpapagaling pa.