Kinumpirma ng Department of Justice na wala pa silang natatanggap na anumang opisyal na komunikasyon mula International Criminal Court.
Itinanggi mismo ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na mayroon na umanong impormasyon patungkol sa umano’y inisyung arrest warrant ng ICC laban kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go.
Batay aniya ang beripikasyon sa Philippine Center on Transnational Crime o PCTC kaninang alas-dyis ng umaga.
Kasunod ang pahayag at paglilinaw ng DOJ matapos sabihin ni Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte na may lumabas ng ICC warrants kontra kina Sen. Bong Go at iba pa base umano sa mapagkakatiwalaang impormasyon.
Si Sen. Go ay kabilang sa mga pinangalanan co-perpetrator ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa kasong crimes against humanity sa ICC may kinalaman sa implementasyon ng ‘war on drugs’.















