-- Advertisements --
Matagumpay ang Philippine Women’s Double Sepaktakraw team na makapasok sa finals matapos talunin ang Laos, sa straight set sa score na 15-12, 15-10, sa semifinals.
Sa kanilang dominanteng performance, nakakuha ang Filipina squad ng tiket sa gold medal match at tiniyak ang isang medalya para sa Team Pilipinas.
Haharapin ng Pilipinas ang Vietnam sa finals matapos naman nitong talunin ang South Korea, 2-0, sa kabilang semifinal.













