Pasok nasa quarterfinals ng 20th Asian Games ang Gilas Pilipinas Women matapos talunin ang Hong Kong, sa iskor na 90-73, nitong Linggo, Setyembre 20, sa Aichi International Arena sa Japan.
Matapos ang dikit na laban sa unang tatlong quarters, tuluyang kumawala ang Pilipinas sa fourth quarter sa pangunguna nina Stefanie Barberabe, Afril Bernardino, Jhaz Joson.
Nagtala si Berberabe ng 21 puntos, habang nagdagdag si Bernardino ng 17 puntos at 11 rebounds. May 15 puntos naman si Joson, habang umiskor si Camille Malagar ng 14 puntos at 8 puntos naman ang naitala ni Elizabeth Medans
Dahil sa panalo, umakyat ang Gilas Pilipinas Women sa rank 1 ng group B na may record na 2-0 at awtomatikong nakapasok sa top eight.
Susunod na haharapin ng Gilas ang host country na Japan sa Martes para sa kanilang huling laro sa group stage.













