-- Advertisements --

Nasungkit ng Philippine men’s sepak takraw team ang bronze medal matapos matalo sa Malaysia sa semifinals ng men’s regu event ng Asian Games 2026.

Pinangunahan nina Jason Huerte, Jom Lerry Rafael at Reynaldo Jr. Asilum ang koponan ng Pilipinas sa matinding laban kontra sa Malaysia

Maganada ang naging simula ng Team Pilipinas matapos nitong kunin ang unang set, sa score na 15- 10, ngunit nakabawi ang Malaysia sa sumunod na dalawang set, 11-15 at 7-15, upang tuluyang agawin ang panalo at tiket sa finals.

Sa kabila ng pagkatalo, nakamit ng Pilipinas ang bronze medal, na dagdag karangalan para sa bansa sa kompetisyon, sa kasalukuyan ay nasa ika-16 na puwesto ang Pilipinas sa medal tally na mayroong 2 gold, 2 silver at 10 bronze