Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) prosecutors ang obstruction of justice complaint laban sa ama ng isa sa persons of interest sa pagkamatay ng hazing victims at Adamson University student na si John Matthew Salilig.
Ayon kay DOJ spokesperson ASec Mico Clavano, ito ay dahil sa kawalan ng probable cause na may reasonable certainty of conviction.
Matatandaan, inaresto noong Miyerkules, Marso 1 ang ama ng isa sa persons of interest matapos pigilan nito ang mga pulis nang isilbi ang search warrant para sa pagkumpiska ng sasakyang ginamit para dalhin ang bangkay ni Salilig mula sa Imus, Cavite patungong Binan, Laguna. Sa naturang sasakyan rin aniya binawian na ng buhay ang biktima
Ayon kay Biñan City Police Station (CPS) Chief Lt. Col. Virgilio M. Jopia, nakapangalan sa anak nito na si Gregorio Cruz na isa sa mga suspek ang naturang sasakyan subalit ayaw umanong isuko ng ama dahil siya ang nagbabayad nito.
Kinumpirma din ng DOJ official na nakatakdang agad na palayain ang ama ni Cruz.