-- Advertisements --
IMG baac2464ee0950f3ea80faa82e243c32 V

Kuntento ang Department of Justice (DoJ) prosecution panel sa naging verdict sa Maguindanao massacre case na hatulang guilty ang 28 indibidwal na sangkot sa karumal-dumal na krimen.

Sa pagharap ng mga DoJ panel na nag-imbestiga noon sa malagim na krimen, unanimous o lahat sila ang nagsabing “satisfied” sa kinalabasan ng promulgation of judgment.

Inihayag din ng grupo na pinangunahan ni Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, ang kanilang kaligayahan at naipanalo nila ang kaso laban sa mga pangunahing akusado.

Kaugnay nito, nagpasalamat din ang DoJ panel sa lahat ng mga tumulong upang mapagtagumpayan nila ang pagsusulong sa kaso.

Kaninang tanghali nang ibaba ang hatol sa mga pangunahing sangkot sa krimen na magkakapatid na Ampatuan ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes.