-- Advertisements --

Department of Justice, nais munang siguruhing walang nakabinbing kaso sa Pilipinas ang naarestong mga Japanese na sina Watanabe Yuki, Imamura Kiyoto at 3 iba pang wanted sa Japan bago sila i-deport sa katapusan ng linggo (loop: watanabe / doj / clavano)

Nais daw munang siguruhin ng Department of Justice (DoJ) na walang nakabinbing kaso dito sa Pilipinas ang naarestong mga Hapones na sina Watanabe Yuki, Imamura Kiyoto at tatlong iba pa na matagal ng wanted sa Japan dahil sangkot sa malawakang nakawan doon, bago ito i-deport pabalik sa kanilang bansa.

Sinabi ni Deparment of Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na target daw nilang mai-deport ang mga banyaga sa katapusan ng linggo.

Ipinaliwanag ni DoJ spokesperson, Atty. Mico Clavano na hindi maaaring isakatuparan ang deportation proceeding kung may kinakaharap pang kaso ang isang dayuhan.

Kailangan anyang hintayin munang madismis ang kaso bago atasan ng DoJ ang Bureau of Immigration para simulan ang summary deportation kaya sinisikap na ng DoJ na madaliin ang proseso para maisulong na ang deportation.

Nilinaw naman ni Clavano na kapag nadismis na ang kaso ay posibleng abutin ng sampu hanggang labinlimang araw bago madeport ang sinumang dayuhan.

Nag ugat ang isyu makaraang natukoy ng mga otoridad ng Japan na sa Pilipinas nanggaling ang IP address ng mga sangkot sa mga insidente ng malaking nakawan sa Japan.