mayor magalong senate
Ex-PNP general and now Baguio City Mayor Benjamin Magalong

Bagamat nangako si Justice Sec. Menardo Guevarra ng automatic review sa resolusyong nag-uutos sa demotion imbes na dismissal sa mga sinasabing “ninja cops” hindi naman nagbigay ang kalihim ng Department of Justice (DoJ) ng time line kung kailan ito matatapos.

Una rito, nabunyag sa hearing ng Senado na nasa 13 police officers na sinasabing sangkot sa pag-recycle ng droga kasunod ng buy bust operation sa Pampanga noong 2013.

Sa isinagawang raid sa Mexico sa Pampanga, noong Nobyembre 2013, nasa P182 million na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga pulis.

Ang mga pulis ay nakatakdang ma-dismiss noong 2014 pero kinalaunan ay na-demote lamang matapos maghain ng apela noong Marso 2016.

Sinabi ni Guevarra na pending na raw ang kaso sa automatic review at ipinag-utos na sa mga state prosecutors na mapabilis ang resolusyon sa naturang review.

Nilinaw ni Guevarra na hindi pa naman nababasura ang naturang kaso.

“I came to discover that this has been pending for automatic review arising from this Senate investigation. I have instructed the state prosecutors to expedite the resolution of the automatic review. This is not yet over,” wika ni Guevarra.