-- Advertisements --

Nagkasundo ang Department of Justice (DOJ) at ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) na pansamantalang suspendihin muna ang ipinapatupad na revised guidelines para sa Filipino na nagtutungo sa ibang bansa.

Ang nasabing hakbang ay matapos ang ilang pag-aalala ng ilang mga senador.

Nakasaad sa pahayag ng DOJ at ang IACAT na kanilang binibigyang halaga ang mga pag-aalala ng mga mambabatas ukol sa nasabing usapin.

Paglilinaw naman nila na ang temporaryong suspensyon ay hindi nakakaapekto sa umiiral na batas.