-- Advertisements --
v19
IMAGE | Health Usec. Maria Rosario Vergeire/Screengrab, DOH

MANILA – Binigyang diin ng Department of Health (DOH) ang paalala nito sa publiko na sundin ang minimum public health standards bilang panlaban sa COVID-19.

Kasunod ito ng lumabas na artikulo sa peer-reviewed journal na The Lancet kung saan nakasaad ang mga ebidensya na naipapasa ang SARS-CoV-2 virus sa pamamagitan ng “airborne transmission.”

“Ang sabi natin the main transmission nitong virus ay through droplet infection kaya nga yung mga minimum health protocols ay nandyan talaga,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

“Pero later on nadagdagan because may studies na lumabas na kapag nasa enclosed space ka, mas nagli-linger sa air yung virus by one and half to three hours sabi ng mga eksperto.”

Naniniwala si Vergeire na sapat naman ang mga panunutunang ipinatupad ng pamahalaan, bagamat patuloy na pinag-aaralan ng mga dalubhasa ang posibilidad ng pagkakapasa ng virus sa hangin.

Bukod sa paghuhugas ng kamay, physical distancing at pagsusuot ng face mask at face shield, naglabas din ng paalala ang DOH tungkol sa iba pang health protocols na dapat sundin ng publiko.

“Sabi natin dapat adequate ventilation, less talking, dapat physical distance is maintained, and if possible limit interaction in enclosed space.”

“Kapag tayo ordinaryong tao, surgical mask or cloth mask is okay. Pero those in the hospital, they use the highly-technical mask like N95 mask because kapag nasa ospital dahil maraming aerosol generating equipment, mas nagsa-stay longer yung virus sa air ng ospital.”

Hihintayin pa rin daw ng Health department ang rekomendasyon ng World Health Organization kasunod ng lumabas na pag-aaral.

Aabot na sa 936,133 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, at halos 16,000 sa mga ito ang namatay na.