MANILA – Umabot na sa 1,179,812 ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa Pilipinas.
Batay sa pinakabagong datos ng Department of Health (DOH), nadagdagan ng 3,083 na bagong kaso ng COVID-19 ang infection tally.
Ito na ang pinakamababang daily case report ng ahensya mula nang sumipa ang bilang ng COVID-19 cases noong huling linggo ng Marso.
Pero paliwanag ng ahensya, ang mababang bilang ng new cases ay dulot ng tatlong laboratoryo na hindi nakapag-sumite ng report nitong nakalipas na mga araw.
“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 3 labs na ito ay humigit kumulang 4.1% sa lahat ng samples na naitest at 2.6% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”
“Ang mababang kaso ngayong araw ay dulot ng isinasagawang updates sa COVIDKaya. May ilang datos na hindi naisama sa kasalukuyang case bulletin. Ito ay kasalukuyang inaayos ng COVIDKaya technical team,” dagdag ng kagawaran.
Nasa 50,635 pa ang bilang ng mga active cases o hindi pa gumagaling sa sakit.
Mula sa kanila, 93.1% ang mga mild cases, 2.1% ang asymptomatic, 2% ang mga severe, 1.35% ang moderate, at 1.5% ang critical cases.
Nadagdagan naman ng 6,756 ang total recoveries, na pumapalo na ngayon sa 1,109,226.
Habang 38 ang bagong naitalang namatay para sa 19,951 total deaths.
“10 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries.”
“In addition, 1,478 cases were deactivated after being tagged by their RESUs/CESUs as being duplicates.”
“Moreover, 25 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”