-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 1,772 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, umabot na sa 387,161 ang total ng coronavirus cases sa bansa.

“18 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on November 2, 2020.”

Ayon sa ahensya, mula sa 14,019 na tinest as of 12:00PM nitong Lunes, may 1,016 na nag-positibo sa COVID-19.

May ilan din na bagong reported COVID-19 cases, na nag-positibo noong nakalipas pa na 14 na araw at mga buwan.

Pinakamaraming naitala na newly-announced casesa sa lalawigan ng Pampanga na nasa 154. Sinundan ng Quezon City, Laguna, Baguio at Lungsod ng Maynila.

Nasa 30,876 pa ang active cases o mga nagpapagaling. Nadagdagan naman ng 153 ang mga recoveries, kaya umakyat ang total nito sa 348,967.

Ang total deaths ay nadagdagan ng 49, kaya ngayon ay nasa 7,318 na.

“11 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 were recovered cases. Moreover, 13 cases previously tagged as recovered were reclassified as deaths.”