Mas mababa ang bilang ng bagong COVID-19 cases na inireport ngayong araw ng Department of Health (DOH).
Aabot sa 2,965 additional confirmed cases ang iniulat ng ahensya ngayong araw, kaya ang total ng kaso sa bansa ay umabot na sa 197,164.
Resulta ito ng submission ng 86 mula sa 109 na lisensyadong laboratoryo.
Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 2,434 ang nag-positibo sa nakalipas na 14 na araw. Pinaka-marami sa kanila ang galing dito pa rin sa Metro Manila, Region 4A at Central Luzon.
Samantala, ang active cases o mga nagpapagaling ay nasa 61,730.
Ang bilang naman ng mga recoveries ay umakyat pa sa 132,396 dahil sa 368 additiona recoveries.
Habang 34 ang nadagdag sa death toll na ngayon ay pumalo na sa 3,038.
Ayon sa DOH, 53 duplicates ang kanilang tinanggal mula sa total case count, kung saan 13 ang recoveries.
Anim na kaso ng sakit rin ang kanilang pinalitan ng tag, matapos matukoy sa validation na lima ang gumaling na, habang isa ang patay na.