-- Advertisements --
Payag ang Department of Health (DoH) sa plano ng ilang lokal na pamahalan na lagyan ng vaccination stickers ang mga bahay at establisimiyento na fully-vaccinated na ang mga nakatira o nagtatrabaho.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, magandang ideya ito na makakatulong sa pag-monitor ng mga lugar na maaaring puntahan.
Isa aniya ito sa istratehiya ng mga LGU upang matukoy ang mga indibidwal na nabakunahan na at mahikayat naman ang hindi pa rin nagpapaturok.
Aniya, wala silang nakikitang diskriminasyon sa hakbang na ito.
Nauna nang nagpatupad ng kahalintulad na hakbang ang Mandaluyong City upang palakasin ang kanilang vaccination program.
Habang may iba namang lalawigan ang may kahalintulad na planong nais isakatuparan.