Nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko na mahalaga ang kalinisan para matiyak na hindi makakapasok sa mga kabahayan ang hantavirus.
Ipinaliwanag ni Health spokesperson USec. Albert Domingo na kung gagawing malinis ang kapaligiran, lalo na kung may mga daga sa bahay at makikita ang mga dumi, ipinayo ng DOH official na huwag na itong “paalikabukan” pa.
Mainam aniyang linisin ito sa pammagitan basang basahan at gumamit ng gloves sa paglilinis.
Sa ngayon, wala pang mga bakuna o partikular na gamot para malabanan ng hantavirus, kayat ang tanging treatment pa lamang ay ang pagpapahupa sa mga sintomas.
Base naman sa French National Public Health Agency, ang tanging paraan para ma-minimize ang banta ng impeksiyon ay iwasan ang kontak sa mga daga at sa kanilang dumi, laway at ihi.
Ayon naman kay World Health Organization’s Europe director Hans Kluge, isang hindi pangkaraniwan ang hantavirus infections at hindi madaling maihawa sa ibang tao.
Nananatili aniyang mababa ang banta na maihawa ang virus sa mas maraming tao at hindi kailangang mag-panic o magpatupad ng travel restrictions.















