-- Advertisements --

MANILA – Naniniwala ang Department of Health (DOH) na dapat manatiling contact tracing czar ng COVID-19 cases si Baguio City Mayor Benjamin Magalong, Jr.

Pahayag ito ng ahensya kasabay ng pagsu-sumite ng resignation ni Magalong sa National Task Force against COVID-19.

“Kami sa Kagawaran ng Kalusugan, we believe that he should remain to be in that position,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa opisyal, malaki ang naging papel ni Magalong para maging agresibo ang contact tracing ng bansa sa mga indibidwal na tinamaann ng coronavirus at kanilang mga nakasalamuha.

Ang alkalde rin daw ang namumuno sa contact tracing efforts ng Cordillera region dahil sa naitalang kaso ng mas nakakahawang UK variant sa Mountain Province.

“Yung ating pakikipag-tulungan kay Mayor Magalong is on that level na pagka-kailangan talaga ay tumatawag tayo sa kanya kasi he can really assist us.”

Magugunitang in-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Baguio City mayor sa posisyon dahil sa epektibong contact tracing ng lungsod.

“We know that the president has that trust, and the DOH also trusts Mayor Magalong.”

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi tinanggap ni Duterte ang resignation ng alkalde sa posisyon.

“Mayor Magalong’s resignation, however, has not been accepted. He continues to enjoy the trust and confidence of the leadership of the NTF.”