-- Advertisements --

43 araw lang inaasahang takbo ng pag-aaral ng loca experts sa mga dokumento ng Russia kaugnay ng developed COVID-19 vaccine na Sputnik V, ayon sa Department of Health (DOH).

Ibig sabihin, mas mabilis ang magiging daloy ng proseso nito kumpara sa 55 araw na naunang napagusapan ng sub-technical working group on vaccines na pinamumunuan ng Department of Science and Technology (DOST).

“According naman sa pag-uusap namin ng sub-technical working group ng vaccine development, dati we were pegging na 55 days ang ating span of time from vaccine expert panel’s review to ethical clearance, to FDA’s review or evaluation bago natin mailabas ang evaluation.”

“Pero the FDA has committed to shorten the process, so we are now looking about 43 days. Ito na yung maximum natin.”

Noong Biyernes, nagmeeting ang mga opisyal ng Pilipinas at Russian Embassy. Sa naturang pulong, inalam na raw ng Russia ang clinical trial protocol ng estado at humingi ng timeline ng proseso bago magawa ang target na trial.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, mas mabilis pa sa 43 araw ang magiging proseso kung agad mako-kompleto ang ng Russia ang submission sa kanilang mga dokumento.

“We also offered to them kung pwede na tayo gumawa ng parallel. Ibig sabihin ibigay niyo na sa amin ang mga dokumentong kailangan namin pag-aralan para sa vaccine experts panel, so that kapag nagsa-submit na sila ng formal na protocol for this clinical trial mauumpisahan namin ang regulatory process… they committed that they will be responding immediately.”

May mga paghahanda na raw ang pamahalaan para sa inaasahang pagdating sa bansa ng mga bakuna laban sa COVID-19.

Tiyak kasing kakailanganin ng cold chain o espesyal na imbakan ng mga bakuna na sinasabing may posibilidad na mawalan ng epekto kung hindi naka-pwesto sa lugar na may angkop na temperatura.

Batay sa mga pag-aaral, ang mga bakunang gawa ng kompanyang Pfizer at Moderna sa Amerika ay nangangailangan ng standards para sa refrigeration.

“Kasama sa paghahanda natin yung logistics management, which includes warehousing and the distribution of these vaccines. And we are very much aware of these specific temperatures that has to go along with the storage of the specific vaccines na ating pinag-uusapan.”

Ayon sa DOST, posibleng sa ikalawang quarter pa ng 2021 ma-aaprubahan ang COVID-19 vaccine na gagamitin sa Pilipinas.