
Iniulat ng Department of Health (DOH) na ilan sa mga residente sa Oriental Mindoro ay nakaranas ng sintomas na iniuugnay sa epekto ng tumagas na langis sa lugar.
Ipinaliwanag ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na bagamat ilang residente lamang ang nakitaan ng sintomas, hindi aniya mapagkakaila ang panganib na dulot sa kalusugan ng nasabing oil spill.
Ilan aniya sa mga nakitang sintomas ay ang pananakit ng tiyak, palpitation, mataas na heart rate, pagsusuka, nahihilo, sumasakit ang ulo, inuubo, at nahihirapang huminga at may ibang na lumalala ang kanilang hika.
Dagdag pa ng DOH official na may isang residente ang dinala sa pagamutan dahil asthma subalit agad namang napangasiwaan at na-discharge din kalaunan.
Kaugnay nito, inatasan ng DOH ang Municipal health officers sa lugar na maging mapanuri sa mga posibleng sintomas na maaaring maramdaman ng mga residente at agad na tugunan.
Ayon pa sa health official na ang mga naninirahan sa loob ng 100-meter zone ng apektadong coastlines ay mandato na magsuot ng industrial grade masks habang ang mga naninirahan sa 500 meters at mahigit ay inaabisuhang ipagpatuloy ang paggamit ng surgical face masks.















