MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pa pasok sa kategoryang “variant of concern” ang B.1.671 variant ng COVID-19 virus.
Ang B.1.671 o tinaguriang “Indian variant” ay unang natuklasan sa bansang India.
“The Department of Health (DOH) on Tuesday clarified that the B.1.617 variant or the variant first detected in India is classified as a variant under investigation (VUI) and not a variant of concern (VOC), based on the technical definitions set by the World Health Organization (WHO),” ayon sa statement ng kagawaran.
Batay sa mga paunang pag-aaral, natuklasan na mayroong mutation o pagbabago ng anyo na “E484Q” ang B.1.671.
Halos kapareho daw nito ang E484K mutation na mayroon ang B.1.351 (South Africa) at P.1 (Brazil) variants.
Kilala bilang “escape mutation” ang E484K, dahil may kakayahan daw itong labanan ang bisa ng mga bakuna.
Mayroon ding “L452R” mutation ang Indian variant, na nagdudulot ng pagiging mas nakakahawa ng virus.
“The DOH continues to monitor the variant, along with all other variants, to ensure immediate and appropriate response.”
Sa ngayon wala pang naitatalang kaso ng B.1.671 variant sa Pilipinas.
Nilinaw naman ng Health department na may umiiral nang travel restriction, pero sa mga dayuhang pasahero pa lang.
READ: DOH clarifies that the B.1.617 variant, first detected in India, is not a "variant of concern."
— Christian Yosores (@chrisyosores) April 27, 2021
It also said that while there is an existing travel restriction for foreign passengers, the IATF have yet to discuss the possibility of restricting OFWs. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/4oidSEPavi
Ito ay sa gitna ng mga apela na magpatupad na ng travel ban ang pamahalaan papunta at pabalik ng India.
“While existing travel restrictions for foreigners have been in place since the beginning of the ECQ for NCR+ Bubble, the travel restrictions for Returning Overseas Filipinos and Overseas Filipino Workers are yet to be discussed in the IATF.”
Ang World Health Organization ang nag-aanunsyo kung “variant of concern” o “variant under investigation” ang estado ng pagbabago sa anyo ng virus.
Tulad ng P.3, na unang natuklasan sa Pilipinas, itinuturing pa lang daw na “variant under investigation” ng WHO ang B.1.617 variant.