-- Advertisements --

Umabot sa 2,886 ang bilang ng mga karagdagang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas ngayong araw.

Batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health, lumobo pa ang kabuuang mga kaso sa 603,308.

Nasa 44,470 naman ang mga aktibong kaso kung saan 95.7% ang mild at asymptomatic cases.

Samantala, nadagdagan naman ng 221 ang mga gumaling mula sa virus, kaya ang bilang ng mga gumaling ay umakyat pa sa 546,293.

Habang may 17 namang bagong pumanaw dahil sa sakit, kaya umabot pa sa 12,545 ang death toll.

-- Advertisement --

Apat na duplicates naman ang tinanggal sa total case count kung saan dalawa ang recoveries.

May dalawang kaso rin ang nagnegatibo sa isinagawang test kaya inalis ang mga ito sa total case count.