-- Advertisements --

CEBU CITY — Nilinaw ng Department of Health (DOH)-7 ang ulat hinggil sa diumanoy bilang ng mga pasyente mula sa Cebu na nahawaan ng UK variant ng COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo kay DOH-7 Spokesperson Dr. Mary Jean Lorreche, sinabi nito na nakapagpadala sila ng 10 positive swab samples sa Philippine Genomic Center (PGC) mula noong Disyembre at isa rito ay nahawaan ng B.1.1.7 variant ng coronavirus.

Ito ay isang returning OFW na taga-Talisay City ngunit agad itong inagapan ng medical authorities at kalaunan ay gumaling na ito mula sa coronavirus.

Samantala ang isa pang pasyente na nahawaan umano ng UK COVID-19 variant na tubong Liloan, Cebu ay hindi nakauwi sa kanyang hometown noong kasagsagan ng UK coronavirus threat at sumailalim ito sa swab testing sa Sta. Ana, Manila noong Enero 17.

Ayon kay Lorreche na palagian ang ginagawang bio-surveillance sa mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19 upang makagawa ng mga agarang aksyon kung sakaling mahawaan.

Kaya naman pinayuhan ng DOH-7 ang publiko na palaging sumunod sa mga health and safety protocols dahil natural na magkakaron ng iba-ibang variant ang COVID-19 o ang tinatawag na mutation.