Nadagdagan pa ng 1,233 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, batay sa pinakabagong data ng Department of Health (DOH). Kaya naman pumalo na sa 52,914 ang total number ng confirmed cases ng COVID-19 sa Pilipinas.
Mula sa mga bagong kaso ng sakit, 848 ang fresh cases o confirmed cases na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw.
Nasa 385 naman ang late cases, o mga confirmed cases na lumabas ang test results sa nakalipas na apat na araw pero ngayon lang na-validate.
Ayon sa DOH, ang bilang ng mga bagong kaso na kanilang iniulat ngayong hapon ay bunga ng submissions ng 70 mula sa 79 na laboratoryo.
Samantala ang total recoveries ay nasa 13,230 dahil sa 286 na bagong gumaling.
Mula naman sa zero death cases kahapon, pumalo sa 42 ang bilang ng mga bagong namatay na naitala ngayong araw. Ang total death toll ay nasa 1,360 na.
“Of the 42 deaths, 27 (64%) occurred in July and 12 (29%) in June. Thirty-six (86%) of the deaths reported were from Cebu. Seventy-three (73) duplicates were also removed from total case count. The total cases reported may be subject to change as these numbers undergo constant cleaning and validation.”
Paliwanag ng Health department, bagamat mataas ang reported deaths ngayong araw ay hindi ito umaabot sa bilang ng mga namatay na naitala noong March.