-- Advertisements --

Pinaigitng ng Department of Finance (DOF) ang kanilang paglaban kontra sa kurapsyon sa pamamagitan ng kanilang Revenue Integrity Protection Service (RIPS).

Sa nasabing paraan aniya ay magsasagawa sila ng lifestyle checks, mag-iimbestiga ng mga alegasyon ng graft and corrupt practices at maghahain sila ng criminal at adminsitrative complaints laban sa mga opisyal at empleyado ng DOF, mga bureaus nito at mga attached agencies.

Mula Hulyo 2022 hanggang Setyembre 30, 2023 ay mayroong silang inilunsad na 58 na imbestigasyon laban sa mga suspected na mga opisyal at empleyado na sangkot umano sa kurapsyon.

Nagsampa na sila umano ng kaso sa Civil Service Commission (CSC) laban sa mga empleyado ng Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs at Bureau of Local Government Finance (BLGF).

Mayroong anim na kaso na rin silang inihain sa Office of the Ombudsman laban sa mga empleyado ng BIR at nakatanggap ng paborableng resolutions ngayong termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang programa ay bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa anumang uri ng kurapsyon.