-- Advertisements --
isinisi ni Department of Energy Secretary Raphael Lotilla ang power grid operator ng bansa sa naganap na malawakang blackout sa Isla ng Panay.
Sinabi nito na maaring naiwasan ang nasabing insidente kung natapos na ng National Grid Corporation of the Philippines ang interconnectivity project sa tamang oras.
Dagdag pa nito na trabaho ng NGCP ang pagmintina na ng grid.
Noong Agosto 2023 pa sana natapos ng NGCP ang Panay-Negros-Cebu Interconnection Project subalit hanggang sa ngayon ay hindi pa ito natatapos.
Hindi rin aniya lalala ang sitwasyon kung naagapan ito agad ng NGCP.