-- Advertisements --

Pinawi ng Department of Energy (DOE) ang pangamba ng karamihan na magkakaroon ng problema sa suplay ng enerhiya.

Sinabi ni energy Usec. Rowena Guevarra, na dahil sa banta ng El Nino Phenomenon ay tiyak na lalakas ang konsumo ng kuryente.

Batay sa kanilang power outlook na posibleng magkaroon ng apat na Yellow Alert sa bansa ngayong Hulyo at tatlong Yellow alert naman sa Agosto.

Inamin nito na magkakaroon ng manipis na suplay ng kuryente ay tinitiyak niya na hindi magdudulot ito ng power outage.