-- Advertisements --

Nilinaw ng Department of Energy (DOE) na ang kasunduan ng Pilipinas at China sa oil exploration ay preliminary pa lamang.

Sinabi ni DOE Secretary Raphael Lotilla na ang nasabing kasunduan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Chinese President Xi Jinping noong nakaraang linggo ay para muling ituloy ang pag-uusap o negosasyon.

Hanggang wala pa aniya ang kasunduan ay ipagpapatuloy muna ng bansa ang oil and gas development sa ibang mga lugar ng bansa.

Magugunitang noong nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay kinansela ng Pilipinas ang pag-uusap ukol sa oil and gas exploration sa West Philippine Sea dahil sa hindi kayang isawalang bahala ng Pilipinas na hindi sumunod sa ipinatupad na konstitusyon sa nasabing pag-uusap.