Papapanagutin ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) sa nagaganap na pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa senador na mandato ng DOE at ERC na magbigay ng sapat na suplay ng kuryente sa bansa.

Napag-alaman din nito na hindi ipinapatupad ng ERC at DOE ang polisiya na panagutin ang mga power generators sa mga nagaganap pagkaantala ng mga suplay ng kuryente.