-- Advertisements --

Itinanggi ni Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr na nagbitiw ang mga matataas na opisyal ng DND.

Ayon sa kalihim na wala siyang mga natatanggap ng anumang resignation papers ng mga matataas na opisyal ng kagawaran.

Iginiit nito na mananatili ang mataas na opisyal ng DND lalo na ang mga miyembro ng Executive Committee at mga namamahala sa DND bureau.

Nauna rito ay kinumpirma ni DND Spokesperson Arsenio Andolong ang pagbibitiw ni dating DND officer in charge Jose Faustino Jr bilang bahagi ng normal na proseso sa pagpapalit ng liderato.