Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang opisyal na school calender para sa School Year 2026-2027.
Ayon sa DepEd na magsisimula ang pasok sa paaralan ng Hunyo 8, 2026 at ito ay magtatapos ng Abril 8, 2027.
Sa nasabing school calendar ay pormal na ipapakilala ang three semister bilang bahagi ng reporma kung saan layon nito ay para mapaganda ang pagtuturo at mapunan ang learning gaps.
Mayroong kabuuang 201 na araw sa buong school year kung saan ito ay hahatiin ng tatlong termino.
Kada termino ay magsisimula sa opening period, instructional phase at end-of-term activities.
Ang first term ay inaasahan na magsisimula Hunyo 8-11 na susundan ng regula classes sa Hunyo 15 at magtatapos ng Setyembre.
Habang ang ikalawang termino ay mula sa kalagitnaan ng Setyembre hanggang unang mga linggo ng Disyembre kung saan magtatapos ang end-of-term activities bago ang holiday break.
Muling magsisimula ang pasok sa Enero para sa ikatlong termino at ito ay magtatapos sa huling linggo ng Marso na susunda na final assessments at closing activities ng Abril 2027.















