Pinapanindigan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kaugnay sa presensya ng halos 300 Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef.
Magugunitang tahasang sinabihan ni Sec. Lorenzana ang China na dapat iwasan ang mga aktibidad na makakasira sa kapayapaan at katatagan sa rehiyon at kanya ring inihayag na ang patuloy na presensya ng Chinese maritime militia sa lugar ay nagpapakita sa intensyon ng China na okupahan ang iba pang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Tumugon naman ang Chinese Embassy sa pagsasabing dapat iwasan ni Sec. Lorenzana ang pagbibigay ng unprofessional comments sa isyu.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, suportado ng Commander-in-Chief sa kung anoman ang naging paninindigan ng kanyang Defense secretary pero hindi umano nakikita ni Pangulong Duterte na mauuwi ito sa mas mainit pang senaryo.
Ayon kay Sec. Roque, magkaibigang bansa ang Pilipinas at China kaya kung anoman ang tensyong namamagitan sa kasalukuyan ay hindi hahantong sa labanan o digmaan.
Positibo ang MalacaƱang na mareresolba pa din ang isyu sa maayos na pamamaraan habang ang estado sa ngayon ay nasa tinatawag na qualified political doctrine.