Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers (DMW) sa agency ng mga Filipino crew ng oil tanker na kinumpiska ng Iran habang ito ay naglalayag sa Gulf of Oman.
Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdca, na patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa manning agency para makakuha pa ng detalye.
Naghihintay pa aniya sila ng mga updates ukol sa estado ng nasabing barko.
Kasama nila ang Department of Foreign Affairs na kinakausap ang mga opisyal ng Iran para mapalaya na ang 18 Pinoy seafarers.
Isa-isa na rin aniya na silang nakipag-ugnayan sa mga kaanak ng mga Pinoy seafarers na bihag para ipaalama ang kanilang ginagawa.
Magugunitang binihag ng Iranian military ang ang oil tanker na St. Nikolas habang ito ay nasa Gulf of Oman kung saan sa 19 na sakay nito ay 18 dito ay mga Filipino at isang Greek.