-- Advertisements --
Kinakausap ng gobyerno ng Pilipinas ang Germany para sa pagbubukas ng trabaho para sa mga overseas Filipino workers.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, nakadepende pa rin ang pag-uusap sa gobyerno ng Germany.
Dagdag pa nito na bukod kasi sa mga health workers ay tinitignan nila na baka makapagpadala ang bansa ng mga occupational skilled workers.
Pagtitiyak ng DMW na kanilang inuuna ang mga kaligtasan ng mga OFW bago ang pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa.