-- Advertisements --
Inaayos na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang kasunduan para sa deployment ng mga manggagawa sa Germany at Czech Republic.
Ito ay kasunod na may malaking pangangailangan ang nasabing mga bansa ng skilled workers.
Ayon kay DMW Undersecretary for Policy and International Cooperation Patricia Caunan na karamihan sa mga pangangailangan ay sa manufacturing, engineering works constructions.
Nakikipag-ugnayan ang mga ito sa mga labor officials ng nasabing bansa ukol sa nasabing usapin.
Sa ngayon ay target nila ang government-to-government agreements sa nasabing mga bansa.