-- Advertisements --

Ikinakabahala muli ng United Nations (UN) ang patuloy na pagdami ng mga nawawalan ng tirahan dahil sa patuloy na kaguluhan sa Gaza.

Ayon kay Stephane Dujarric ang tagapagsalita ni UN Secretary-General Antonio Guterres, na aabot na sa halos 200,000 na mga katao ang nawalan na ng mga tirahan.

Sakop nito ang halos lahat ng parte ng Gaza dahil sa walang humpay na pag-atake ng Israel.

Mayroong lamang limang truck nila na mayroong mga pagkain at gamot ang nakapasok sa Gaza.

Ang ibang 60 na trucks ay kailangang bumalik sa crossing dahil sa matinding labanan.

Hindi rin nila napigilan ang looters kung saan ninakaw ng ilang mga residente ng Gaza ang mga pagkain at gamot na para sana sa mga may sakit.