-- Advertisements --

Pangungunahan ni Vice President Sara Duterte ang pagtitipon sa The Hague, Netherlands ngayong Mayo 31 kasabay ng kaniyang ika-47 na kaarawan.

Layon ng pagtitipon ay para hikayatin ang International Criminal Court (ICC) na mapalaya sa pagkakakulong ang dating pangulo.

Ang nasabing pagtitipon ay inorganisa ng mga Filipino communities sa Europa kung saan ito ay dumayo pa ang ilang mga Pinoy na galing sa ibang bahagi ng Europa para dumalo sa pagtitipon.

Kasama ng Bise Presidente ang ina nitong si Elizabeth Zimmerman kung saan dinalaw nila ang dating pangulo sa kaniyang piitan.

Magugunitang inaresto ang dating pangulo ng ICC noong Marso 11 dahil sa madugong kampanya nito laban sa iligal na droga.