-- Advertisements --
Nakuha ni Novak Djokovic ang kampeonato ng French Open matapos talunin is Casper Rudd.
Nilampaso ng Serbian tennis star ang Norweigan player sa score na 7-6 (7-1) 6-3 7-5 sa laro na nagtapos ng mahigit 90 minuto.
Dahil sa panalo ay nagtala siya ng record na mayroon pinakamaraming grand slam titles na 23 panalo.
Nahigitan na niya si Rafael Nadal at siya rin ang unang tennis player na nagwagi ng lahat ng apat na majors.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa atleta kung saan nanguna dito si NFL legend Tom Brady na personal na nanood ng laro.